
Nagsimula na ang pagdinig ng korte sa Singapore kaugnay ng pagmamaltrato umano ng mag-asawang Singaporean sa kanilang Pinay Domestic Helper (DH). Tanging instant noodles lang daw ang ibinibigay sa Pinay dalawang beses sa isang araw. Dahil dito, mula sa 43 kg. ay naging 29 kg. na lang ang kanyang timbang. Tumakas lang ang OFW noong Abril 18, 2015 at nagpasaklolo sa isang Nonprofit Organization para sa domestic helpers. Ulat hatid ni Cheryl Cosim
Post a Comment