Sa February 6 episode ng Eat Bulaga nagpaalam na muna si Tito Sotto sa mga Dabarkads para mag-concentrate sa kanyang pangangampanya para sa senado.
Ika ni Joey de Leon, “Tuloy ang pagibig sa Kalye-serye mga kaibigan. Pero itong si Tito, itong katabi ko, si pareng Tito Sotto, ibang kalye po ang tatahakin niya mga kaibigan...muna.” Dagdag ni Allan K, “Ito yung kalye na mas mahaba, mas malawak, mula Batanes hanggang sa Jolo.” Nilinaw naman ni Tito, “Hindi, magpapaalam muna ako kasi ako sa inyo, panandalian lang, wala man ako dito sa Juan for All, All for Juan. Kasama niyo pa rin ako tatawa, iiyak, at iibig sa mga storya ng pagibig at ng buhay. Sabi nga ni Lola Nidora, tuloy pa rin, ibang kalye muna ang tatahakin ko. At sana po ay sa bawat hakbang ko ay makakasama ko pa rin kayong lahat. Salamat po sa Dabarkads, sa AlDub Nation, maraming salamat.” Sabay naman siyang kinamayan ni Joey de Leon habang niyayakap siya ni Jimmy Santos. Niyakap din si Tito ni Wally Bayola, Maine Mendoza, at Alden Richards. Habang sabi naman ni Allan K, “Parang doon ako naiyak ah.”

Post a Comment

 
Top